three cheers for me.
"i'm riscia. an ordinary girl full of extraordinary dreams. i want to fly, to read other people's mind, to be invisible and to have everything that i wanted with just a flick of my wand. i love things with a touch of pink, sky blue and lavender. i also love butterflies, small things, stars, stuffed toys, fairies, rainbows,butterflies and lots and lots of stars. i also lalove sweet things like chocolate, candies and etc. i'm usually quiet and reserved but when hyperness struck me, i'll suddenly transform into a totally different me. so yeah, this is me. i'm just like any ordinary girl."
that was my description for myself back when i was still in high school and right now, i'm too lazy to edit it. XD
9/18/2008 11:48:00 AM
Thursday, September 18, 2008
Nakaraan kay sarap balikan
Kaytamis ng mga alaalang nakalimutan
Ngunit ako'y umaasa pala sa wala
Puso ngayon ay nag-iisang lumuluha.
Puso'y umasa na mayroon talagang
Pag-ibig sa pagitan nating dalawa
Ngunit siya'y mahal mo pala
Ako ngayon ay nag-iisa.
Tila gabing walang bituin
Nang ako'y tuluyang lisanin
Tila tsokolateng napait
Nang ako'y iyong ipagpalit.
O sinta, lumayo ka muna kahit saglit
Hayaang aking galit ay humupa
Kalimutan ka'y aking ipipilit
Pagkat ako'y baka magwala pag ka'y nakita
**O aking sinta, ako'y nagmamakaawa
Ika'y huwag munang magpakita
Aking puso ay kabubuo pa lamang
Baka ito'y muli na namang masira.
Ngayon akin nang napag-isip-isip
Ako'y hindi mo kayang mahalin
Pagkat siya'y hindi mo kayang limutin
Pangarap ko'y isa lamang panaginip.
**At ngayon ako na ay nagising
Mula sa aking masayang panaginip
Mata'y lumuluha at puso'y nabuksan
Sa isang katotohanang aking kinatatakutan.
**Hindi maipaliwanag aking naramdaman
Pagkat aking isip at puso'y gising na
Sa katotohanang mapait
Na puso mo'y kanya na talaga
**Ngunit ano ba aking magagawa
Ako lang naman ang tunay na may sala
Umasa ako nang umasa
Sa isang himala.
Ikaw nga naman ay walang kasalanan
Ako'y hindi naman iyong sinadyang saktan
Ako'y umiibig sa iyo at hindi mo ito alintana
Pagkat pag-ibig ko sa'yo ay aking isinarili lamang.
**Ngunit sinta, wag mag-aalala
Sarili ay huwag nang sisihin pa
Ako'y makakabangon muli
At makakahanap ng bagong pag-ibig.
**Hiling ko lang ay ika'y maging masaya
Sa piling niya'y tuluyang lumigaya
Ating nakaraan ay kalilimutan ko na
Kasabay ng pagsikat ng araw sa umaga.
----------
Serious...
Ito ang aming ginawang tula sa Filipino class noong Lunes. Ang may ** ay akin
lamang idinagdag habang ito ay aking tinatype. Ako ay umaasa na inyo itong magustuhan,
kahit na hindi pa ito ganoon kaganda.
Marahil ay mula sa aking mga naramdaman (na parte na ng aking nakaraan),
ang pinanggalingan ng aking mga nasama rito. Ang aking nakaraan ay aking naging
inspirasyon upang magawa ito.
-------
Hyper...
Astig talaga.. Nakagawa ako ng maayos na tula..Haha.. :D Saya ko.. Haha.. Wala lang...
Basta, masaya ako na nakagawa ako ng tula. Siguro may pinaghugutan lang ako ng mga emosyon. Haha.. Naalala ko kasi ang mga dramas sa T.V. kaya un.. nagawa ko ito. :)
Basta...sana magandahan kayo kasi pinaghirapan ko yan.. :)
Basta.. ang astig pa rin.. :)) Haha.. Pagbigyan niyo na ako.. ngayon lang ito.. :D
--Riscia..--