Hahaha...
Ang astig.. Nakathird place kami sa dikum.. Sobrang hindi namin iyon inaasahan kasi ang akala namin sa gitna lang kami.. Hindi namin inakala na makakaplace pa kami..
Iniisip lang naman namin na kailangan naming mag-enjoy sa performance na iyon para mabigyan ng buhay ang kanta namin. Kaya inenjoy lang namin. At nagpakatotoo lang kami. Ipinakita lang namin kung ano talaga ang Strontium. Ganun naman talaga kami, eh. Siguro iba-iba talaga kami ng mga gusto pero pagdating sa kulitan at kasiyahan, nagkakaisa lahat. Ipinakita lang namin ang totoong Strontium; makulit at masaya pero sa kabila nun, disiplinado rin. Ito siguro talaga ang maganda sa Strontium.
Basta, isa mga importanteng bagay siguro talaga sa isang performance ay ang pag-eenjoy sa ginagawa mo para maganda ang kalalabasan ng ginawa mo. At para na rin maparamdam mo sa audience na comfortable ka sa ginagawa mo at para rin maramdaman nila na hindi ka pinilit na gawin kung anu pa man iyan. As long as nag-eenjoy ka at alam mong kasabay mong nag-eenjoy ang audience, masarap na iyon sa pakiramdam kahit ano pang mangyari. As long as napapasaya mo ang ibang tao, kahit hindi perfect ang ginawa mo ay okay na rin dahil hindi naman talaga kayo nagpeperform lang para sa grade, eh. Nagpeperform din kayo para maenjoy niyo ang high school life at para rin makapagpasaya kayo ng ibang tao.
Kahit na sobrang kinakabahan ako kanina bago magperform, parang napanatag na rin ako kasi deep inside alam kong sabay-sabay naming ineenjoy ang performance namin na iyon at kasabay rin naming nag-eenjoy ang audience. Hindi naman talaga importante na maperfect niyo ang performance niyo. Kahit na naperfect niyo nga, plantsado lahat, kung hindi niyo rin naman naenjoy, ano ring mararamdaman niyo? Hindi ba parang kulang pa rin? Hindi ba parang bitin ung kasiyahan kahit nakaplace kayo?
Ito ang natutunan ko dahil sa dikum. Sobrang may pagkakaiba na ngayon ang pananaw ko tungkol sa performances. Habang nagpapraktis ang Sr kanina, kahit sabihin pang para kaming walang ginagawa kasi nagtatawanan lahat, at least sa mismong runthrus at actual performances, mararamdaman mo na naeenjoy ng lahat ang ginagawa namin.
Hindi lang tungkol sa perfection ang performances. Kailangan mo rin isipin kung naeenjoy ba ng mga tao ang ginagawa niyo kasi baka mamaya, tinutulugan na pala ang performance niyo, dahil sa sobrang ayos na parang naging boring na. Kailangan niyong isipin dapat lahat ng tao ay maenjoy ang performance niyo, kasali na rin kayo. Hindi importante ang ranking. As long as masaya lahat, masarap na iyon sa pakiramdam. Ito-ito siguro talaga ang importante sa isang performance.
And thanks sa Strontium, mas naintindihan ko kung anong totoong layunin (hmm.. lalim, ha! hahahaha..XD) na performances and mas naeexpress ko na ang sarili ko ngayon at mas naging confident na ako.
Labels: random, strontium