Kung ikaw ay may gustong mangyari ngunit dahil sa isang tao, bagay, hayop, o kung anupaman ay nawalan ng saysay ang mga ginawa mo para maabot ang bagay na iyon, titigil ka na ba? O magpapatuloy pa rin na abutin ang bagay na iyon?
Hindi ba dapat kung talagang gusto mong mangyari ang bagay na iyon ay dapat huwag mong iwan at pabayaan na lang na mawalan ng saysay ang mga ginawa mo? Bakit mo hahayaang mawala nang tuluyan ang bagay na iyon? Dahil sa ikaw ay naunahan? Dahil sa ika'y nabigo? Dahil sa ano bang rason? O baka dahil sa ikaw ay isa lamang duwag at hindi mo kayang harapin ang katotohanan pag ikaw ay nabigo at ginagamit mo lang ang dahilan na "naunahan" ka na.
Hindi ba't kapag may gusto ka, dapat gawin mo ang lahat upang makuha iyon? o upang mangyari iyon? Gawin mo ang lahat at lumaban ka ng patas. Huwag mong hahayaang mawala iyon ng wala ka man lang na ginawa.
Ito ang mga natutunan ko kay Mymy at dahil sa mga sinabi niyang ito ay nabuhayan ako ng loob, kahit ayokong mag-expect ay wala na rin akong magagawa. Binuhay ng mga salitang ito ang isang pag-asa sa aking isip at isa ring expectation na sa tingin ko ay magdudulot
lamang ng isang pagkabigo sa akin balang-araw.
Ngunit, mas gugustuhin ko na ito kahit mabigo pa ako. At least, totoo ako sa aking sarili
at hindi ako natatakot na tanggapin ang katotohanan. Hindi ako
natatakot sa kung anuman ang ihahandog sa akin ng kinabukasan.
Hindi nila ako matatawag na duwag.
Labels: depressed, duwag, random